Inanunsiyo ni Kris Aquino sa pamamagitan ng isang official statement kaninang hapon, March 24, na ang kanilang ina na si dating Pangulong Corazon "Cory" Aquino ay may sakit na colon o colorectal cancer.
Halata sa tinig sa Kris ang tindi ng problemang kinahaharap ng kanilang pamilya habang binabasa niya ang official statement.
"Our mother had suffered from an episode of high blood pressure and difficulty in breathing followed by fever during the week in between Christmas and New Year. Since that time, we became concerned because of her consistent cough, loss of appetite and noticeable weight loss.
Our mom wanted to know what was wrong with her, and with her family by her side, she submitted herself to a check-up and several tests. The results showed that our mother is suffering from cancer of the colon," pahayag ng emosyonal na si Kris sa official statement ng pamilyang Aquino.
Ayon kay Kris, desisyon ng kanilang ina na sabihin sa publiko ang kalagayan niito dahil naniniwala pa rin ang dating pangulo sa kapangyarihan ng dasal.
"Desisyon po ng nanay namin na mag-release kami ng statement, para maunawaan ng lahat ang kanyang kasalukuyang kalagayan. Nakikiusap po kami na sana maintindihan ninyo na kailangan ng aming ina, kagaya ng lahat ng pasyenteng nagpapagaling, ng panahon ng katahimikan," sabi ni Kris.
Humingi rin ang pamilya Aquino ng time of privacy dahil sa karamdaman ng dating pangulo.
"It's very difficult time for our family, most especially for our mother. We respectfully ask that she be accorded her privacy. Our mom remains a believer in the power of prayer. We ask you for your compassion and for your prayers," pahayag ni Kris.
Ilang linggo na ring kumakalat ang balita na may matinding karamdaman si former Pres. Aquino. Sa katunayan, naospital siya noong December 2007 dahil sa high blood pressure.
Ayon sa ilang pag-aaral, ang colon at rectal cancer ay ang ika-tatlo at ika-apat na pangunahing cancer-related deaths sa Pilipinas.
Si Cory Aquino ang biyuda ng pinaslang na Senator Benigno Aquino. Naging presidente siya ng Pilipinas noong 1986 matapos mapatalsik sa puwesto si dating President Ferdinand Marcos. Napili siya bilang Woman of the Year ng Time Magazine noong 1986.
Kasalukuyang nasa ospital ngayon si dating Pangulong Aquino na ngayon ay 75 years old.
Monday, March 24, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment