Thursday, July 8, 2010

Kabayan Noli de Castro Makes Grand Return to DZMM

Handa na ang buong bansa sa pagbabalik ni dating Vice-President Noli "Kabayan" De Castro sa radyo simula Lunes, July 12, ng umaga sa DZMM Radyo Patrol 630 at DZMM TeleRadyo (SkyCable ch. 26).

Muling maghahatid ng pinakamainit na balita at serbisyo publiko si Kabayan mula Lunes hanggang Biyernes, 5am-7am sa programang "Kabayan: Kapangyarihan ng Mamamayan, Balita at Talakayan."

"Excited akong bumalik sa broadcasting dahil ito ang first and one true love ko. Sabik na rin ako sa magiging pagtanggap ng tao sa aking pagbabalik," sabi ni Kabayan na kinikilala bilang isang icon sa broadcasting sa Pilipinas.

Sa pagdating ni De Castro, lalo pang lalakas ang umaga sa DZMM na tampok din ang mga programang "Tambalang Failon at Sanchez" kasama sina Ted Failon at Pinky Webb at “Dos Por Dos” kasama sina Anthony Taberna at Gerry Baja.

Kasabay ng pagbabalik ni Kabayan ang pagdiriwang ng ika-24 na taon ng DZMM, na kamakailan lang ay itinanghal na Radio Station of the Year sa The Rotary Club of Manila Journalism Awards.

"Sa pagbabalik ni Kabayan at sa pagdadala sa DZMM TeleRadyo sa iba’t ibang parte ng mundo, muling pinapatunayan ng DZMM na tunay kaming una sa balita at sa public service. Ito ay iniaalay naming lahat sa mga Pilipino,” sabi ni ABS-CBN Head for Manila Radio Division and Sports Peter Musngi.


No comments:

Post a Comment